Martes, Agosto 28, 2012

May bagong panukalang batas na nais ipasa si Cong. Angara. Ito ay ang Anti Bullying Act.Dahil ayon sa statistic noong 2010 tumaas ng higit 70% ang  kaso ng mga pangbubully sa mga estudyante sa pampubliko at  pribadong paaralan. Isang insedente ang nangyari kamakailan na kung saan may isang  katorse anyos na estudyante ang namatay dahil sinuntok ng isang 17 anyos na estudyante.Mayroon ding insendente na kung saan mga batang nasa elementarya ang sangkot sa pangbubully. Ang adhikain ng Resolusyong ito ang  sinasabing "total awareness" para sa mga mag aaral, mga  guro at mga magulang na ang pang bubully ay hindi dapat ipagwalang bahala sapagkat ito'y  nakaka apekto hindi lamang physically at emotionally kundi pati sa physicological na paglaki ng isang bata. Isang pang adhikain nito ay ang mahigpit na papapatupad ng mga swelahan ng polisiya tungkol sa isyung ito. May kaukulang parusa sa mga batang nangbubully, maging ang skwelahan ay mag pananagutan kung hindi bibigyang pansin at agarang solusyon ang nasabing isyu.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento